Hanggan Kailan Maghihintay Poem by reina Lorenzo

Hanggan Kailan Maghihintay

10/120/02
Matagal akong naghintay, hanggang sa tuluyan ng mabulag ang buwan
Tila’y nangagawit na’t gusto pang malaglag
Sa pakikisama sa paghihintah.
Halos nakawin na ng hangin ang aking hininga
Sa pag aakalng darating ka
Bakit, nasaan ka na nga ba?

Gusto kong isiping, huminto ang mundo sa pag-ikot
Umiikot pabalik ang oras,
O di naman kaya’y naliligaw ka lang o
Sadyang binalewala mo lang ang mga binitiwan kong paala-ala.

Naglakad ako’t nilagpasan ang mga tinik
Para lagn mahawakan ka
Binalewala ko ang lahat
Para lang makaharap ka
Nagbulag-bulagan para lang makasama ka
Naglaho nga lang ang lahat.

Oo, naghintay ako, kasama ang buwan
Nakipagpaligsahan sa paghihintay
Pero,
Buti pa ang buwan, may hinihintay na bukas
Maraming pagkakataon na masilayan ang lahat
Ako kaya, meron pa ba?

© Reina h. Lorenzo

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success