bakit ba puso'y ganito
kahit lumayo na saiyo
nananatili ka sa alaala ko
ang mga sandaling magkasama tayo
mga damadamin na ibinahagi mo
pati na ang panaginip at pangarap sa mundo
hindi ko magawang magsinungaling
sa paghahangad kong ikay makapiling
hindi parin nagbabago ang aking pagtingin
sa kagandahan mo'y nabibighani parin
maari bang ika'y minsang maging akin
na walang pangamba sa puso at damdamin
inakala mo at naisip ko rin
na magbabago ang lahat pag-ihip ng hangin
pagkalipas ng ilang larawan sa paningin
mawawala ang lahat pati na ang panalangin
ngunit bakit ngayon ay ikaw parin
hinahangad makatabi sa gitna ng mga buhangin
ano ba ang meron sa iyong pagkatao
bakit nalulunod ang isip at puso ko
nawawala lagi ang sarili at natagpuan saiyo
sa panaginip na ako ay kasama mo
minsan sa paglalakad sa may kabilang kanto
at nangangarap na lahat ay magkatotoo
ang sakit naman isipin kung minsan
na sadyang ganito ang katutuhanan
kalungkutan ay hindi ko maiwasan
sa tuwing ikaw ay simagi sa isipan
tanggap ko man na walang hantungan
pangarap ko'y nananatili sa aking katauhan
ano nga ba ang dapat kong gawin
upang ibalik nakaraan kong dinimdim
pag-ibig na saiyo noon ay hiniling
hangang ngayon ay di mo pansin
at di maitago sana lang ay dinggin
pagkat hanggang ngayon mahalaga ka sa akin.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem