Hihintayin Poem by Milbert Salmasan

Hihintayin

Tinataningan nang kumunoy ng oras
Sinusubok kung hanggang saan ang antas,
Minsa'y nahahapo ang katawang lupa
Subalit puso'y pigil…ayaw madapa.


Denidelubyo sa paghihintay sa'yo,
Nasasaksak minsan sa may gawing puso
Amin kong dinar'ma sampo nito mahal,
'Di na bali pagkat pag-ibig ay bukal.

Ito'y walang saklaw ng pagmamalaki;
‘Wag ituring na pansar'ling pagtatangi
Winiwika lang itong naging hantungan
Sa pag-irog ko na pakikipaglaban.


Mahal lahat na yata'y halos dinaig,
Muntik nang binigay sa'yo ang daigdig,
Sana'y sawing bugna'y ‘di sa'kin mauwi
At ang pag-iro'y tuluyang manatili.

Giliw taos-puso't sadya kitang nais,
Kailangan ka't ‘di 'to pagmamalabis.
Karangalan ko'ng kita'y hihintayin
Hanggang sa huling buhay nitong damdamin.

Saturday, December 13, 2014
Topic(s) of this poem: love and art
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Milbert Salmasan

Milbert Salmasan

Purok-1 Sampagar, Damulog, Bukidnon
Close
Error Success