Sakit sa puso ang aking dinarama,
Giliw bakit nilisan irog mong aba?
Ang puso ko'y sa iyo nangungulila
Buong akala ko ikaw ay ligaya!
Pagdurusa at marahang pagkadusta,
Pagpanaw mo'y nasasaisip tuwina,
Bakit pag-‘ibigay winalang halaga?
Sabi pa nama'y, "Pag-iwan! ‘di magawa…"
Aywan ko't bakit sumakabilang buhay,
Pag-ibig mo'y sa kisapmata'y namatay.
Salita mo pa naman ay inaring tunay,
Mali-mali pala ang mga salaysay.
Mga hinanakit at pagsusumamo,
Sa papel't pluma nalang isinusuko
Kasi ipagdiinan ko man sa iyo,
Ika'y lumisan na at nagpakalayo.
Dito na lamang sa aking mga akda
Masasakatuparan itong adhika,
Kasabay nitong lumang papel at pluma
Marahan kong masasambit na mahal ka.
Hanggang dito nalang ba ‘turing prinsesa?
Papaano akong nasasakdal-dusa?
Magmarka sana itong papel at pluma,
At sana bukas nawa ay magbalik ka!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem