Hindi Magmamaliw Poem by Phoenix1 Smith

Hindi Magmamaliw

Paano mo sasabihin na ako'y minahal mo
noong habang nandito pa sya sa mundo
ako noon ay halos kamuhian mo ng husto

ako ay halos nagmakaawa sayo ng labis
ngunit wala kang panahon para sa akin
ika'y abala sa pag iibigan nyo na kay tamis

kahit ganun pa man ang nangyari sa atin
at sya lamang babaeng iyong mamahalin
ito'y pilit na lamang kakayanin na unawain

sa aking buhay ikaw pa rin nag iisang ng aliw
kahit isipin ng lahat na ako ay isa nang baliw
pag ibig ko sayo ay hindi pa rin magmamaliw

Friday, July 21, 2017
Topic(s) of this poem: pain
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success