Gabi noon, ang mga luha'y dumanak;
Ang buong kalupaa'y wari nilubog
Nang natipong mga bunga ng poot
Kaya nasupil tanang madlang halakhak.
Kisapmata, ako ay nagpalit-diwa.
Sa rinamdam-damdam ay umasal tunggak;
Ang mundong may hapis ay kusang ginahak;
Umalingawngaw… sakit na ‘di nabata…
Ang kapaligirang naidlip sandali
Na tila ba nag-among tupa kay David.
Ay nasindak, nagisi't saka narinig
Ang kumawalang damdamin kong masidhi.
Sa hindi inakala'y lumubha lahat.
Mamamaya'y nakiugali sa akin;
Ginugol nila'y buong gabing madilim.
Naghimutok sa aking nasawing palad.
Doon aking natanto ang katutuhanang,
"di lahat nang simpatya'y nasa tagumpay."
Masawi ka man minsan sa iyong buhay,
May aakay sa moog ng kasawian!
Kaya, " ‘wag umanib sa lei ng takot! .
Ikaw tao'y hindi isang punong kutad!
Mamulaklak at mamunga iyong palad!
Mabigo man, mayroong daramay sa lungkot! "
Pawalan ang nag- uumapaw na lingap
Sa larangang nais mo na pagharian.
Magsunog- kilay sa iyong pag- aaral!
Kamtin ang tala! Susi ang pagsisikap!
Pakatandaang, "Sa unos man at bagyo
Sayo'y may mga kamay na aandukha!
Huwag matakot yumaman o marukha
Sa mga karangalang pasasaiyo! "
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem