Ikaw Ay Bayani Poem by Rey Benipayo

Ikaw Ay Bayani

Sa bayang lugmok sa kahirapan
Talamak ang droga, kurapsyon at krime
Sa aking bayan na sa loob ng maraming taon
Ay tila hindi na magbabago
Paulit ulit na lang ang lahat
Ang mga panloloko at pang gagago
Ng ganid sa kapangyarihang mga politiko
At mga mukhang perang media
Sa loob ng maraming taon
Akala ko ay wala nang pag-asa.

Dumating ka at biglang nagising ang lahat
Walang takot na hinamon ang mga kalaban
Maging sila man ay alagad ng simbahan
Kilalang personalidad o negosyante
Na sisiga siga at akala mo kung sino
Winasak mo ang kartel ng droga
Na sumisira sa lahat ng mamamayan
At hindi ka natakot sa mga kritiko
Sa mga salita nila na minsan ay masakit
At akala mo kung sinong matalino
Wala namang ginagawang solusyon

Kaya para sa akin, sa kapwa mo Filipino
Ay ikaw ay isang bayani
Sabihin man nilang pala-mura ka
Mamamatay tao o ditador
Hindi ako maniniwala
Dahil kitang kita naman sa gawa
Kahit pa ibalita man o hindi
Nararamdaman ko, nakikita ko
Kahit pilit man nilang itago.

Ikaw ang aming bayani
Ang nagbigay ng pag-asa sa bayan
Ang taong matagal na naming minimithi
Ang pinagdarasal namin sa Panginoo
Bigyan ka man ng mga awards o hindi
Hindi magbabago ang tingin namin sayo
Pagkat hindi basehan ang award
Sa pagiging mabuting tao
Totoong tao ka at hindi ugaling politiko
Isa huwarang leader na simple lang
Ni hindi umi-epal sa mamamayan
Buong pusong nagtatrabaho kahit pa
Siya ay matanda na at puwede nang magretiro
At handang mamatay para sa amin
Sadyang mahirap makahanap ng tulad mo
Aming mayor, ang tatay naming lahat
Ang aming tunay na bayani.

Wednesday, October 31, 2018
Topic(s) of this poem: hero,leader,leadership,legend,legends,nation,politics
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success