Ofw Poem by Rey Benipayo

Ofw

Rating: 5.0

Ang hirap ng buhay dito
Pero balewala iyun sa akin
Malungkot ang kada araw dito
Kinakaya ko naman
Kaya sana malaman mo
Hindi ako isang turista
Naghahanapbuhay ako

Nagtitiis hanganga't kaya
Sa araw araw ko dito,
Minsan ay konti lang ang kinakain ko
At hindi na namamasyal
Dahil nagtitipid ng pera
Trabaho lang walang iba
Kahit magiilang oras pa
Kahit mag-overtime
O kahit pa walang dayoff

Ayos lang sa akin magsakripisyo
Basta may maipon ako
At maipadala sa pamilya ko
Sa Pinas na nangangailangan
Dahil ang ipinangako ko sa pag-alis,
Buhayin ko silang masaya at marangya
May tirahan at kinakain
Ang makapag-aaral at makapagtapos
At maging maayos sa pang-araw araw

Dito ay malayo ako
Napapag-isa paminsan minsan
Hindi maiwasang mag-alala ako
Madalas ay mahohomesick
Sa pamilya at mga kaibigan
Lalo na sa nakagawiang buhay sa Pinas
Tiis tiis at maraming pasenya
Hindi lang ito para sa akin
Para ito sa pamilya ko
Para ito sa kinabukasan namin
Kaya ako nandito at nagsasakripisyo.

Thursday, October 4, 2018
Topic(s) of this poem: depression,homesick,longing
COMMENTS OF THE POEM
Bernard F. Asuncion 06 October 2018

Kuya Rey, nakaka-touch ang mahusay mong tula...........10++++++++++++++++++++++

0 0 Reply
Rey Benipayo 06 October 2018

Thank you po..............

0 0
Kumarmani Mahakul 04 October 2018

In lonely life when we feel difficulties this provokes thought. But troubles do not last for love. We hope for family your sacrifice will be valuable with love and peace. We hope everything will be fine soon. An amazing poem is shared here...10

0 0 Reply
Rey Benipayo 06 October 2018

Thank you...........

0 0
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success