Ikaw Lang Poem by Jesus Diaz Llorico

Ikaw Lang

'Isang tunay na pag ibig aking inaalay
Na ramdam sa buong kapaligiran
Aabot sa ulap hanggang kalangitan
Ang wagas at likas na pag-iibigan

Ika'y naglagay ng mahika sa aking bibig
Mga awitin na puno ng pag-ibig
Kaya pati hangin at lupa ay nagkaisa
Sa ganda ng himig na aking ipinadama

Isinama sa puso mga kantang itinugma
Kaya bundok at mga puno ay dumaing
Sa ganda ng musika na dala ng hangin
At pangako na ikaw lang ang mamahalin

Ang aking dila ay nagmistulang anghel
Sa mga nasasambit na adhikain
At sa nais na ikaw lang ang makapiling
Pag-ibig na dadalhin hanggang libing.'

Thursday, August 21, 2014
Topic(s) of this poem: love and art
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success