sinong nais maging IMORTAL?
na mabuhay nang napakatagal
sinong nais na manahan
sa kahariang walang hanggan?
nais kong maging imortal
taglayin katawang walang kasiraan
LISANIN ang katawang nadumhan
nadungisan ng kasalanan!
nais kong maging imortal
pagtagumpayan ang kamatayan
sugpuin ang kasamaa't kasalanan
hanggan ang buhay na may hangganan
nais mo rin bang maging imortal?
O kaluluwang lubos na nagpapagal
sa hamon ng buhay na temporal
upang tamhin lamang putong na di nagtatagal
taglayin man ang pinakamataas na kaalaman
tamuhin man ang buong sanlibutan!
mapasaiyo man ang dakilang karangalan
ika'y matatauhan! lahat ay may hangganan!
mabuting budhi taglayi't ingatan
malinis na puso pilit panatilihan
matuwid na espiritu huwag nawang lumisan
ikaw nga'y banal, ikaw nga'y magpakasakdal
ikaw nga'y imortal kaluluwang sakdal!
espiritung iniluwal ng Banal na Maykapal
iyong pagpatuluyan ang dating daan
kapahingahan ng kaluluwang pagal
sa kasalana ika'y sumalangsang!
sanlibuta'y huwag na ngang ayunan!
hiwaga ng Kaniyang kalooban iyong nalalaman
ingatang may pagtitiis iyong pagsumikapan!
hanggang abutin dulo ng takbuhan!
magbayad man lahat na kayamanan!
kahit pa sakripisyong di matumbasan!
mapatid man hininga nitong abang nilalang
sinong nais maging IMORTAL?
ikaw at ako, tayong lahat ay nagaasam
nakikiusap sa Tanging IMORTAL
kami'y tulungan, gabaya't kaawaan
kahit sa dulo ng Iyong kaharian kami'y makatahan
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem