Ngayon sa iyong napakahalagang ‘Kaarawan’
Nais ko sanang ikaw ay handugan
Ng tulang hindi mo makakalimutan
Umulan, bumagyo o magpakailanman
Ngunit ngayon tingin ko ay napakahirap
Wari’y impossibleng ito ay maganap
Pagkat ‘di ko makuha-kuha ang tamang pamagat
Oh, ilang linya pa ba ang dapat maisulat?
Tama bang malaking titik na “J” nalang
Kasi unang titik ‘yan ng iyong pangalan
O dapat ay may dagdag na “O” sa hulihan
Para “JO”, pinaiksi na “JOAN”
Ah, sige ito na nga lang
Mas kyut kung gagamitin ko ay “JOAN”
Kasi ito ay saiyo talaga laan
Ang makulet at masaya kong kaibigan
Sa tulang ito’y nais kong iparamdam
Pagkakaibigang walang iwanan
Sasabak sa kahit anong laban
Huwag lang sanang maligaw sa maling daan
Ngayon ikaw ay magdiriwang
Ng araw ng iyong ‘Kadalagahan’
Sana’y manatili ang tunay mong kagandahan
Sa puso mo ay kumikislap na kayamanan
Di mo man ako lagi nakikita
Sa isip at puso mo ako ay makakasama
‘Di ako magdaramdam kahit ako’y malimot mo na
Kung kailangan mo, ako ay darating kahit may problema
Kailan nga lang kita nakilala
Ngunit pangmagpakailan man ang kaibiganin ka
Pakiramdam ko ikaw ay matagal na
Naging kasama sa lungkot at pagkikipagtawa
Kaya maligayang kaarawan saiyo kaibigan
Tatandaan ko lagi ang pangalang “JOAN”
Payo ko rin sana’y pakatatandaan
Dumako lagi sa mundo ng kabutihan.
Kung minsan man ang buhay ay nakakainis
Paalala ko sayo Miss JOAN VASQUEZ
Huwag magkulang o labis, dapat tama lang ang hugis
Ng ang buhay ay laging may “PEACE”.
[Naga.25sept2011.mykelle]
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem