Tayo na ba para sa isa't-isa habambuhay?
Ako na ba ang pipiliin sa hirap at tagumpay?
Ikaw na kaya ang tunay na nilaan ni tadhana
sa lawak ng langit at lupa?
Tayo'y pinagtagpo at pinagpala sa pagkakataong ito
ang pakiramdam ko ay mas mahalaga ito sa ginto.
Ano pa ba ang hinihintay sa pagtawid?
Bakit pa may alinlangang umaaligid?
Nasabi na ba ang lahat ng malambot mong puso
bago pa itong sinasakyang tren ay huminto?
Tayo na ba para sa isa't-isa habambuhay?
Di man natin alam ang kasagutan sa mga tanong,
di man natin alam paano mga bagay-bagay ipagdutgong.
Iisa lang ang sigurado at ito'y umaandar ang tren
lumalakbay papunta sa kung ano ang ating pipiliin.
Tayo na ba para sa isa't-isa para sa pagkakataong ito?
Nasabi na ba ang lahat ng malambot mong puso?
Hayaan ang tapang madiskubre kung ano ang totoo.
Di man natin alam ang kasagutan sa mga tanong,
malalaman natin ang lahat sa unang hakbang.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem