Kaha 3316 Poem by Felicia Moira Longman

Kaha 3316

Ang halik ng kahapon.
Pilit bumabalik ngayon.
kinakalimutan ang lahat-lahat,
Naluluha na ang mata sa puyat.

Isang halik, ang tumama sa katangahan.
Halik, na nagsasabi ng nararamdaman.
Katahimikan, kinukulong ang kasiyahan.
Katahimikang pumipigil ng pag-mamahalan.

Dito na, nagtatapos ang kahapon
Dito, dito na ang hangganan
Tapos na ang kasiyahan
Kailangan nang iwan ang nakaraan.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success