Ika'y Pag-Ibig 3816 Poem by Felicia Moira Longman

Ika'y Pag-Ibig 3816

Hindi man ako kagandahan, ngunit ako'y gumaganda
Sapagkat, ika'y aking nakasama
Iba ang saya ko, pag ika'y naka piling na
Iba ang pintig ng puso, pag sa iyo'y nakatitig
Iba ang siglang hatid ng ngiti sa iyong mga labi
Sa bawat hakbang na ating nilalakad
Sa bawat yapos ng ating mga palad
Sa isa't-isa, Iba ang saya ang hatid nito sa akin
Oh, aking mahal
Sa bawat yakap, na dumadampi sa aking katawan
Sa bawat halik, na tumatama sa aking mga labi
Hatid mo'y ligayang, walang kapantay
Laking pasasalamat, sa itaas ng ika'y dumating
Laking pasasalamat, ng dahil sayo ay naging maligaya muli
Salamat, sa iyong pag dating
Ako'y, natutong mag mahal ulit ng tunay

Tuesday, March 8, 2016
Topic(s) of this poem: love,passion
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
Ito ay kwento kung saan nagmula ang pagmamahalan ng biglaan at natutong magmahal muli
COMMENTS OF THE POEM
Edward Kofi Louis 08 March 2016

Laking pasasalamat! Love and passion. Thanks for sharing.

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success