Kailangan bang ang 'ideal man'
Lang ang gugustuhin ko?
Kailangan bang ang kagaya ko
Lang ang papakasalan ko?
Kailangan bang ang kading idad
Ko lang ang iibigin ko?
Kailangan bang iyung may
'Social breeding' lang ang mapili ko?
Kailangan bang financially
'Well off' lang sya?
Kailangan bang may 'social
Grace at gait' din sya?
Kailangan bang 'good appearance
At well adjusted' lang sya?
Kailangan bang papakasal ako
Sa lalaking magustuhan ko?
Kailangan bang magsama
Kami habang buhay?
Kailangan bang ganito palagi
Ang paraan ng buhay?
(9/30/03. 9: 30 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem