Kamatayan Poem by Nurrahman 'NUR' Tahil

Kamatayan

Rating: 5.0

Sa ngalan ng Allah ang panimula
Sa diyos na mahabagin na ating tinitingala
Nais kong ibahagi sa inyo ang paksang ito
Na nag-papaalala ng katotohanan dito sa mundo

Kamatayan ay ating pag-usapan ngayon
Kung saan nakalimutan ng karamihan ngayon
Ito ay hindi simpleng bagay na usapin
Kundi puno ito ng mga paalala at aralin

Oh aking mga kapatid na Muslim
Lalakit babae man ika'y kasali rin
Kamatayan dapat mong alalahanin
Sapagkat ito'y surpresa at bigla nalang darating

Ang mga kabataan sa ngayong henerasyon
Ay nakalimot na kung ano ang kanilang misyon
Bilang Muslim ating dapat tandaan
Na tayo'y dapat mamatay sa katotohanan

Batid kong ipahatid sa inyo itong simpleng paalala
Na sadyang nakakalungkot at lalo't nakakatakot
Kamatayan ay lubhang kinalimutan
Na dahilan ng paggawa ng mga kasalanan

Kayrami narin ng namatay sa ating pamilya
Ngunit marami paring Muslim sa oras ay inaaksaya
Katotohanan talaga Oh kapatid ko
Lahat ng tao ay magpapaalam dito sa mundo

Ang Allah ay nagbilin sa loob ng Qur'an
Kullu nafsin za'iqatul mawt
Na lahat ng spirito ay makakaramdam ng kamatayan


Bata't matanda man ang pag-uusapan
Sadyang walang pinipili ang kamatayan
Kaya't o kapatid kong mga kamusliman
Wag mong sayangin ang oras na puno ng kayamanan.

Mga mahal naming oh mga magulang
Inyong dapat ito'y pangunahan
Na magbigay ng laging paalala
Sa mga kabataang inyong pinala

Nakakalungkot mang ating isipin
Ngunit paghuhukom sadyang darating
Apoy na nagliliyab at inihahanda
Sa mga taong sumuway at gumagala

Sa tuwing oras na ng pagdarasal
Karamihan pa sa atin ay pumapasyal
Ang Muazzin tayo'y tinawag Hayya alassala
Ang sagot naman natin ay matagal pa

Labis na nakakalungkot na isipin
Na ang karamihan ay parang hindi alipin
Sa Diyos na naghihintay kung kailan ka magpapaalipin
Upang ikaw ay kanyang mamahalin

Ang kamatayan ay laging nariyan
Hindi mo mamalayan na araw mo nayan
Kaya't dapat magbalik loob ang karamihan
Upang mailigtas sa kapahamakan

Sa mga kapatid ko na nag-ninigosyo't nagtitindera
Dito sa Salam compound ng Tandang sora
Kung nais mong umasenso ng lubosan pa
Sa oras ng pagdarasal ay magdasal ka

Sa pagkat kamatayan ay parang si superman
Mabilis pa sa kidlat bigla nalang nanjan
Kung ika'y namatay habang nagdarasal sa kanya
Ang masasabi ko lang very good ka kay Allah

Wag nating isipin tayo'y hindi pa handa
Sa mga obligasyon na dapat ginagawa
Sapagkat bilang Muslim tayo'y dapat magpaulila
Sa puong may kapal na hindi nawawala

Oh aking mga kapatirang Muslim
Aking paalala inyong dapat isipin
Na ang kamatayan ay nagdudulut ng lagim
Sa mga taong sumuway sa utos ng mahabagin

Ang aking talata ay patapos narin
At labis na naghahangad na ito'y bigyang pansin
Ng mga puso't isipan at mga damdamin
Na nag-hahangad din ng pagmamahal sa diyos na mahabagin


Wassalaam...

COMMENTS OF THE POEM
Shanera Mansul 01 June 2020

What a wonderful reminder.. ❤❤.

0 0 Reply
Sharifa 19 June 2018

Hehehehe malingkat utoh❤️

0 0 Reply
Nurhudatahil27@yahoo 19 May 2018

Very nice hehe. MashaAllah

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success