Tamis Ng Buhay Poem by Nurrahman 'NUR' Tahil

Tamis Ng Buhay

Rating: 5.0

Kayrami sa pamilyang pilipino ang nagtitiis
Ng mga pagsubok nagdadala ng tamis at pait
Napakahalaga na ating dapat tandaan ito
Sapagkat ito'y malaking leksyon sa buhay ng tao


Ako ay minsan ay nalulungkot kapag nag iisa
Aking iniisip kung papano maging maligaya
Aking napagtanto at sinabi ko sa sarili ko
Labis na mahirap talaga ang mamuhay sa mundo


Aking pamilya't kaibigan na palaging nariyan
Ating tiisin tamis ng buhay na pagdaraanan
Ito ay pagsubok lamang upang tayo ay matuto
Upang ating makamtan ang tamis ng buhay sa mundo


Aming mahal na ina na palaging sumusuporta
Ako'y nagpapasalamat sa taglay mong pambihira
Kapaitan at Tamis ng buhay ay iyong kinaya
Para lang kami ay matustusan at mapaligaya


Aking puso'y lubos na nagluluksa at nadudurog
Sa mga pagsubok sa buhay dito sa mundong bilog
Ngunit dahil sa mga pagsubok na ito sa akin
Aking sarili'y naging matatag at mapag-tiisin


Tamis ng buhay ay nagdadala ng tukso sa atin
Ito ay nagbibigay ng problema at solusyon din
Kapag ang tao ay hindi matatag at matiisin
Hindi niya makakaya at siya ay mainitin


Ang buhay ng bawat isa dito sa mundong ibabaw
Parang bola na umiikot at tayo'y tinatanaw
Kayadapat na mag isip ang lahat ng kabataan
Upang sila'y maging matatag para mapaghandaan


Ang tamis ng buhay ay pwede ring magiging biyaya
Kapag ating inisip na ito'y pagsubok sa kaniya
Itong simpleng paalala ay nagdadala ng leksyon
Lalo na't sa mga kabataan sa'ting henerasyon


Mga mahal kong kaibigan dito sa paaralan
Katotohanan tamis ng buhay ay magpakailanman
Ating gamitin ang buhay na puno ng kayamanan
Upang tayong lahat ay magtagumpay panghabang buhay


Biyaya ng maykapal ay biglang kusang dumarating
Ito'y tanda ng pagmamahal ng diyos na mahabagin
Kaya't mga kaibigan tayo ay magsama-sama
Sa pagbigay ng mga aralin puno ng biyaya


Tamis ng buhay ay nagdudulot ng lungkot at saya
Kayrami rin ang nagbigti dahil hindi nila kaya
Ngunit pag tayong lahat ay merong tiwala sa kaniya
Ating damdamin ay mapupuno ng saya't ligaya

COMMENTS OF THE POEM
Shanera Mansul 01 June 2020

Yeah.. minsan na akong dumaan sa depression peo tru encourages ng mga family and friends heto ako tumitibay and tinatanghak ang tamis ng buhay.. ❤❤ wat a nice poem❤❤

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success