'Kung tayo ay magkita
sa lugar na 'di mo akala
magiging tahimik ka pa rin ba
at itutuloy ang pagdurusa?
Gusto sanang mawala
sa puso lalo na sa isipan
ang nangyari sa'ting dalawa
na sa tagal ng panahon
tuluyan ng malimutan
ang sakit na nadarama
Kung hindi ka magsalita
sa muling pagkikita
alam kong hindi na mawawala
ang pait na iyong nararamdaman
at maghihiwalay ng tuluyan
na may pighati at luha.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem