Lagi Pa Rin Naaalala Poem by Jesus Diaz Llorico

Lagi Pa Rin Naaalala

'Lagi ko pa rin naaalala
nung panahon una kang nakita
naglalakad ka lagi mag isa
sa daanan sa gilid ng plaza

kaya kapag ako nakatyempo
lagi nagpupunta sa sentro
makita lang ang ganda mo
na nagpapasaya sa araw ko

kay saya ng maging tayo na
at lagi sa city nagkikita
lalo't kung weekend malapit na
sa Fort San Pedro lagi ang punta

sakaling tayong dalawa ay magkita
alam ko nag iba na ating hitsura
pero kahit tayo'y tumanda na
walang magbabago sa'yong ganda

at kung mapag usapan ang nakaraan
alam ko maganda kahihinatnan
kahit walang closure ating samahan
maaayos dahil dating magkatipan.'

Wednesday, June 1, 2016
Topic(s) of this poem: love and life
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success