Lahat Ay Gagawin (Will Do Everything) Poem by Eve Young

Lahat Ay Gagawin (Will Do Everything)

Sabi ko'y 'di na muling
iibig pa ang puso
Ngunit nang makilala ka
Muling umikot ang mundo
Ano ba 'tong nadarama ko?

Sa mata mong kayganda
Ako'y nahahalina
Sa ngiti mong kaytamis
Tibok ng puso'y kaybilis.

Ang araw ko'y nakukumpleto
T'wing nasisilayan ka
At kung ikaw'y hindi kapiling
Nalulumbay itong damdamin
Sana ako'y ibigin mo rin..

Ano ang gagawin
Upang ako ay mapansin mo rin?
Nahihibang sa 'yong ganda
Sana ikaw'y mapasaakin.

Puso ko na nahimbing
Iyong napukaw at nagising
Ang lahat ay gagawin
Upang tanong ng puso ko'y iyong sagutin
Ang lahat ay gagawin
Upang tibok ng puso mo'y laan sa akin.

Tuesday, July 21, 2015
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success