'Ang lamig ng hangin na biglang dumating
na hindi alam kung saan nanggaling
kaya pati mga ibon tila dumadaing
sa tindi ng lamig na dala ng hangin
Ang ulap na dahan dahang dumadaan
may dalang lungkot ng aking nakaraan
kaya't sa paglalakad sa kapaligiran
mga puno at damo'y tila walang pakialam
Ako'y naghihintay sa nagbabantang ulan
upang ang paligid sadyang madiligan
para pag-ibig mo muling maramdaman
sa simoy ng hangin sa halamanan
Aking naririnig ang huni ng mga ibon
pati na rin lagaslas ng mga dahon
na wari'y nagmamasid at sumasang-ayon
sa lahat ng lungkot na dito naipon
Kahit dagat sa'tin ang namamagitan
aking pag-ibig hindi mapapantayan
pagkat kahit ano sabihin ninuman
puso pa rin ang pinapakinggan.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem