Lasing Poem by Rey Benipayo

Lasing

Parang kalian lang
Nang tayo'y maghiwalay
Dahil mageendo ka na
At endo na rin ako

O kay sakit pala
Na mawalay sayo sinta
Bakit ba nahantong pa
Sa ganito ang love story natin?

Tulad sa isang Korean movie
Na trahedya ang ending
Na ang bida ay luhaan
At ang kanta'y sobrang lungkot

O bakit ba kay lungkot
O kay lungkot lungkot talaga?
Ngayong wala ka na
Sa buhay ko, sa piling ko?

Ang bawat araw ko ngayon
Ay tila ba wala nang saysay
Ang kada Segundo ko ngayon
Ay tila walang kathrill thrill

O kay lungkot, kay lungkot talaga
Sobra na, grabe na talaga!
Parang gusto ko nang magpakamatay
Dahil wala ka, mis na mis kita!

O kay bilis naman ng panahon
Ang five months ay one week
Ang one hour ay one second
Bakit hindi na lang huminto?

Bakit ba tayo nagkaganito?
Nagibigan nang palihim
Dahil magkatrabaho tayo
Cashier ka, stock clerk ako

Natakot na mabunyag ang sekreto
Dahil noong mga panahon yun,
Ay may mga kinakatakutang tao
Natakot na magkaroon ng isyu

Sana di na lang nangyari ito
Nang hindi na ako nagkaganito
Para bang pinasan ko ang buong mundo
O sobrang lungkot nitong magisa

Paano ba kita makakalimutan?
Kung parati kang naaalala
Kahit nadelet na ang mga picture mo
Pati cellphone number mo

Paano ka ba maalis sa puso ko
Kung nakatatoo ka na ditto?
Ano bang meron ka at nagkaganito ako?
Nababaliw na ba ako?

Paano ako makakamove on
Kung sa kada pagpunta doon
Ay di maiwasang mapadaan
Minsan nga ay napapabilili pa?

Mabuti at wala kang facebook
Dahil baka magkaroon pa tayo
Ng panibagong chapter
Ay parang ayaw ko nang magayari

Dahil alam ko naman
Na hindi na magyayari pa
Dahil sa manila ka na magtatrabaho
At ako, ditto lang sa Bicol
Alam kong sa panahong ito,
Kung nasaan ka man ngayon
Ay masayang Masaya ka dyan
Pero tila ba tulad lang kita

Naiisip kong nasasaktan ka rin
Dahil sa bilis ng pangyayari
Akala kasi natin ay mauuna ka
Yun pala ay ako ang unang mageendo

Alam kong kakayanin natin ito
Hindi madali sa ngayon
Darating ang panahon
Magiging maayos din ang lahat

Kung puwede lang magsimulang muli...
Tama, magsisimula akong muli
Sa bago kong trabaho
Magbabagong buhay muli ako

Sana nga ay makalimutan na kita
Sana ay hindi na ito mangyari pa
Sana ay hindi ka na magpakita pa
Sana ay hindi na tayo magkatrabaho pa

Sana, sana lang talaga
Nang hindi na ako magkaganito pa
Maging Masaya ka na rin sana
Sa bagong kabanata ng buhay mo.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success