Lumalabo Pa, Pero Klaro Na... Poem by Z doP

Lumalabo Pa, Pero Klaro Na...

Lumalabo na...
Lumalabo na ang dating kilig, ngiti at saya
Sa tuwing tayo ay magkasama

Lumalabo na...
Lumalabo na ang mga mata
Kung saan ikaw lagi ang nakikita
Kanan man ito o kaliwa

Lumalabo na...
Lumalabo na ang iyong pag asta
Na parang bang bumalik tayo sa umpisa.
Sa umpisa kung saan ako palang ang nakakilala

Lumalabo na...
Lumalabo na ang iyong mga tingin
Na dati rati'y sa akin pa nakatingin

Lumalabo na...
Lumalabo na nga
Kasi may nakita ka
May nakita ka nang iba

Lumalabo na...
Lumalabo na ang nararamdaman
Dahil naguguluhan
Kung dapat pa bang ipaglaban o bitawan?

Lumalabo pa...
Pero klaro na...

Thursday, November 8, 2018
Topic(s) of this poem: love
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
malabo pa because the person wanted to know the other one's thought butthe person was too coward to face or to know what it is..And klaro na because the other one was already taken...
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success