May Tayo Sa Ating Pagkakaibigan Poem by Z doP

May Tayo Sa Ating Pagkakaibigan

Sisimulan ko sa 'Hi' 'kamusta ka? '
Dadagdagan ko pa ng maliit na pangkwentohan
Upang medyo tumagal tagal pa ang ating usapan

Minsa'y naseseen pa nga sa mga walang kwentang letrang pinapadala
Upang para lamang ay magpapansin sayo

Hayy ano ba tong aking pinaggagawa?
Bat pag sya ang pinag uusapa'y tila ako'y nag iiba na


Pero naalaala ko iba pala ito
Di pala ito ang gusto mo
Magkaparehas tayo.
Babae ako at lalaki ang gusto mo

Gusto mong manatili ako
At ginawa ko ang gusto mo
Pero di mo alam na nasasaktan na pala ako

Sa bawat pagbigkas mo ng pangalan nya sa harap ko
Ay parang sinasaksak ako ng isang kutsilyo
Na pinaparamdam na di nga pala ako ang gusto mo

Sinubukan kung lumayo
Pero hinila at hinanap mo ako
At heto,
Bumalik ako
Pero iba parin talaga ang tunay na hanap mo.

Thursday, November 8, 2018
Topic(s) of this poem: love and friendship,unrequited love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success