Lumingon Ka Sana Poem by Milbert Salmasan

Lumingon Ka Sana

Masakit isipi't kay hapding lasapin,
Nang patotoong wala ka sa piling
Puso'y hapo sa luhog ng pagkalumbay,
Tanging gun'ta mo sa utak bumubuhay.

Giliw natutunaw akong nag-iisa,
Kapapangarap kong makapiling ka na.
Hirang ‘tong ‘sidhing nasasapit ngayon,
Nawa'y kahit hindi sadya ay malingon.

‘Ka'y drugang kumikitil sa pagkatao
Siya ring bumubuyo sa abang puso,
Giliw hirap ng kinasadlakan ngayon
Nitong lingkod mong dinig ma'y‘di malingon.

Hatid mo'y karalitaan nitong puso,
Saka iyak nang utak kong hapung-hapo.
Araw na ‘lang takipsilim wari'ng layo
Sa kahihinatna'y sa'kin maitungo.

"Wala ka! ", Wika nitong katutuhanan,
‘Di sumagi sa'yong puso na magmahal,
Giliw kahit na sadyang ayaw mo lamang,
Lingon lang ayos na akong sayo'y mangmang.

Saturday, December 13, 2014
Topic(s) of this poem: love and art
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Milbert Salmasan

Milbert Salmasan

Purok-1 Sampagar, Damulog, Bukidnon
Close
Error Success