Magbabalik Din - Ang Anak Ng Bayan - Poem by Marites C. Cayetano

Magbabalik Din - Ang Anak Ng Bayan -

Ang anak ng Bayan
saan mang panig
ng mundo makarating
gaano man kalayo
sa lupang
kanyang sinilangan
siya ay magbabalik.

Kung sakali mang
siya'y mabigo
at sa lupang sinilangan
ay hindi makabalik
asahan mo
kabilang sa kanyang yaman
ay mga bagay
na puno ng alaala
ng lupang
kanyang sinilangan.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success