'Kay daming ibig sabihin
ng salitang mahal at pag-ibig
iba't iba ang nasa puso at isip
para lang ito ay makamit
Parang isang pelikula
na puno ng magagandang salita
pero sa totoong gunita
nababalot ng maraming luha
Kapag ikaw manahimik
puso'y walang imik
pero kung sagad sa gimik
ang hatid nito ay laging pasakit
Kaya kung ikaw ay iibig
dapat handa sa ambang panganib
pagkat sa sinusuong pag ibig
kadalasan ay nasasabit.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem