Maling Balita Poem by Monica Encarnacion

Maling Balita

Sabi nila maraming namamatay sa maling akala
Pero mas maraming nawawasak sa maling balita

Mahal kita pero pinilit kong hindi maging tayo
Akala ko ginawa ko lang ang tama
Oo, duwag ako, takot nuon sa magulang ko
At hindi ko kayang magdesisyon para sa sarili.

Nang malaman ko mula sa isang kaibigan na mayron ka ng iba at nagpatali na,
Damdamin ay di maintindihan
Parang sinakluban ako ng buong mundo
Pero sinabi ko na lang 'masaya ako para sa kanya'

Buhat noon, nawalan ng pag-asa
Buhay ay parang walang kwenta na
Kaya kahit mali man,
Sumama na lang sa iba.

Naging ok naman ang buhay ko
Busy sa trabaho, pamilya, at negosyo
Pero nagulo ng bigla kang bumulaga
At sinabi mo pang malaya ka pa? !

Litung-lito at walang katapusang tanong
Ganito ba magbiro ang tadhana?
Kung hindi yon totoong balita
Ang sitwasyon ko ay hindi biro na

Kapag tinatanong ako bakit ayaw ko pang magpakasal
Sagot ko lang ay di pa ako handa
Pero alam kong kailan man ay di ko kayang gawin
Kasi ang puso ko'y sa'yo, di na maibigay sa iba

Di na baleng mag isa
Basta ikaw pa rin sinta
Mabubuhay ako sa alaala
Na minsan sinabi mong 'Mahal Kita'.

Masakit mang mahalin ang taong dati'y minahal ka
Pero mas masakit isipin na nagpadala ka sa maling balita.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success