lumingon ako
sa ating nakaraan
at aking nakita…
isang lakbaying
pilit pinatatagal
ng aking mga dasal.
hinawakan mo
yaring mga kamay,
hindi ako kumawala.
ramdam ko pa rin ang higpit,
na nagsisilbing init
sa lamig ng hanging
humahampas sa ‘ting mukha.
nanatiling saksi
ang mga puno na
dati’y nagkakawayan-
tila nakikisaya.
nanatiling nakangiti
ang mga gabing 'yon,
kahit pa daan-daang gabi
na ang nakalipas.
mga ngiti at luha,
halos pinag-isa
pinagsasama.
nagpapahirap.
sa ‘king pagpikit,
luha’y nagpumiglas, sumilip
kay sakit palang lisanin
ang pinakamatamis na gunita.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem