Matapos Man Ang Lahat Poem by Emmanuel Galicia

Matapos Man Ang Lahat

Matapos man ang lahat

Matapos man ang lahat
Ay mahal pa din kita.
Lagi mong tatandaan na walang ibang
Mamahalin kundi ikaw lang sinta.


Mundo man ay magunaw
Ngunit ang pag-ibig ko sayo ay hindi papanaw.
Ikaw at ako ay mag-iibigan, kahit abutin man tayo ng katandaan.

Matapos man ang lahat
Kung dala ng katandaan ako ay iyong malimutan.
Patuloy tayong magmamahalan sapagkat yan ang ating sumpaan.

Matapos man ang lahat
Ay hindi kita iiwan.
Kahit ikaw pa ay nasa banig na ng karamdaman.
Aalagaan kita sa abot ng aking makakaya. Kahit buhay ko ay itataya para lamang saiyo sinta.

Matapos man ang lahat
Hindi ako magbabago
Hindi kita ipagpapalit kahit kanino
Matapos man ang lahat
Ang pagmamahal ko ay tapat
Hanggang sa ating huling hininga
Ikaw at ako parin sinta

Thursday, March 8, 2018
Topic(s) of this poem: love and life
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success