Mga Araw Ng Inuman Poem by Rey Benipayo

Mga Araw Ng Inuman

Sa mga susunod na araw
Ay naka-schedule na,
Mga araw ng inuman.

Sa March 13,6 ng gabi
Ay magpapainom ang padi ko
Dahil Friday the 13th daw

Sa March 29 ay aabsent ako
Sa trabaho ko dahil mag-iinuman kami
Sa may dagat, overnight yun

Sa April 7 ay may inuman
Pero konti lang ang iinumin ko
Dahil may trabaho pa ako niyan

Sa May 9 ay fiesta sa amin
Siguradong malalasing ako niyan
Dahil pupuntahan ako ng mga gangster

Sa June 6 hangang June 8
Ay sunod sunod ang birthday
Kaya sunod sunod ang inuman

Sa July 23 ay mag-iinuman kami
Kasama ng mga pinsan ko
Dahil uuwi sila galing ng Maynila

Sa August 15 ay siguradong lasing ako
Dahil kinuha akong ninong sa binyag
Ng mga friends kong gangster

Sa August 20 ay may inuman
Pero di ako iinom masyado
Dahil uuwi ang babe ko galing sa abroad

Sa September 19 ay magpapainom ako
Dahil birthday ko at malalasing ako
Kasama ng mga friends kong gangster

Sa September 27 ay sosyal ang inuman
Birthday kasi ng mayaman kong ninang
Na gaganapin sa kilalang resort sa Albay

Sa October 6 ay birthday ng kapatid ko
Siguradong magpapainom yun
Siguradong may handaan sa amin

Sa November 1 ay hindi ako pupunta
Sa mga seminteryo dahil may inuman
Kami ng mga high school batch ko

Sa December ay busy ako
Dahil mag-iilang araw ako sa inuman
Dahil madaming darating at okasyon

Yang ang schedule ko, excited na ako
Kaya kung sinumang may idadagdag,
I-message na lang ako at agad akong sasagot.

Saturday, March 14, 2020
Topic(s) of this poem: august,birthday,hindi,june,may,september
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success