Mga Tanong Ng Puso (Questions Of The Heart) Poem by Eve Young

Mga Tanong Ng Puso (Questions Of The Heart)

Eto na naman
Umaga na ulit
Ang diwa ay gising
Kahit pa nakapikit.

Agad naramdaman
Ang pait sa dibdib
Tuyo kong mga mata
Naluluha ulit.

Kahit sabi nila
'Bumitaw ka na'
At 'masasaktan ka lang
Kung patuloy pang aasa'.
Bulong ng utak ko
'Tama sila'
Ngunit sigaw ng puso ko
'Mahal pa rin kita! '

Ganito ba talaga ang pag-ibig?
Sa una lang masaya
Bakit kasunod ay pait?
At sakit? .

Isang tanong ko pa
Bakit pa pinagtatagpo?
Mga pusong nagmamahal
Ngunit kailangan ding maglayo.

Tuesday, July 21, 2015
Topic(s) of this poem: love,love and pain,pain,painful,sad,sad love,sadness
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success