Minsan Poem by rhona fabi

Minsan

Minsan malungkot ang
mag-isa.
Minsan malungkot kapag
wala kang kasama.
Minsan naman masaya kapag
may kasama ka.
Minsan masaya kapag
nagpapatawa sila.

Ang kaso,
Minsan malungkot
kahit tumatawa kana.

Bakit minsan ang mundo
madaya talaga.

Minsan kalang humiling
'di pa kayang tugunin.
Kung ano'ng ating naisin
'di pwedeng kamtin.
'Di mo man asahan,
ibibigay nya rin.

Minsan ang mundo ay
masaya rin.
Napapangiti nya ako sa saya.
Kahit minsan lang
para sa akin'y mahalaga.
Minsan kasi akong
naging masaya...
'Yon ay nang minsang
nakilala kita.


Copyright © 2005 by Ronalyn 'Rhona' T. Fabi
(An original poem written on the the month of September 2005)

(This literary piece is govern with the rights of the author. Anyone who wants to use this poem should first ask the author or contact at reiyuucy_26@yahoo.com)

COMMENTS OF THE POEM
Ranz Matthew Mendoza 25 September 2009

galing..........true filipino.....me too!

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success