Muli` Poem by Ocean MisT

Muli`



Hindi ba't ang nakalipas ay bahagi na nang nakaraan
na naisin man ng damdamin di na mabalikan
sa sandali ng pangungulila'y humalili'y katahimikan
na sa aking alaala'y muling gumuguhit ang iyong larawan

Na sa aking piling ay sumandaling umiglip
habang kinukumutan ka ng wagas kong pagibig
sa lilim ng iyong haplos naparam ang lamig
nagtaksil ang ginaw sa init ng iyong halik

Ang iyong munting malamig na tinig
kumulay sa paligid sa lawak ng daigdig
naghandog halimuyak sa mga panaginip
humawi sa hapdi ng luhang nahahapis

Kung maibabalik ko lang ang panahong lumipas
ang muling aangkas sa pakpak ng oras
tayo'y magtatagpo sa dating lumang landas
doon saba'y nating lulupigin nag wakas

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success