Nagkakaisang Lahi Poem by Mr. love 12291997

Nagkakaisang Lahi

Tayong mga pilipino
Matatag kahit sa harap ng bagyo
Hindi natitinag ng anumang Unos
Ang pusong dakilang lubos

Higit sa bagyo ang kaylangan
upang ang puso ay masugatan
dahil tayo ay nagkakaisa
sa anumang mga problema

Dahil nga sa bagyong Yolanda
Naghari ang takot at pangamba
Pero hindi pa rin tayo nagpatalo
Nanaig ang pagka-Pilipino

Tayo ay Pilipinong magkaka-ugnay
Lakas at tatag ay taglay
Kaya kahit anong problemang dumating
Kaya nating harapin

Sa pamamagitan ng pagkakaisa
Walang hindi makakaya
Sa pamamagitan ng pagtutulungan
Walang hindi kayang lampasan

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
Dedicated to Super Typhoon Yolanda Victims...
COMMENTS OF THE POEM
Mac Adrone Adonay 12 December 2013

An Inspiring poem, Bangon Pilipinas!

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success