Nasaan Ang Pagsisisi Poem by bonifacio alba

Nasaan Ang Pagsisisi

Ang buhay ng tao sa mundo
Ay may kanyang hangganan
Subalit minsan ay makaligtaan
Sa kalusugan at karangya-an.

Ang tao minsan ay mayabang
Para bang walang kamatayan
Kung makasakit sa kapwa..
Parang wala ng hangganan.

Sa panginoon dudulog minsan
Sa panahon ng karamdaman...
At kung may sakunang naranasan
Panginoon po kami ay tulungan.

Huli talaga ang tunay na pagsisi...
Sana maging salamin ang karanasan
Sa ibang nagdurusa sa karamdaman
At dumaan sa trahedyang di inaasahan...

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success