Ikaw ang tanging nasa puso ko
ikaw lamang ang minamahal ko
ikaw ang laman ng isip ko
ikaw ang laging hinahanap ko
Ngunit ba't nagkaganito?
unti unti ka nang nagbago, lumayo
pinilit kong ika'y kalimutan na
ngunit hindi ko magawa-gawa
Ang sarap damhin ng ngalan mo sa 'king labi
ang sarap pakinggan, ang tamis parang isang halik
ang sarap ding damhin ng kamay mo sa 'king palad
kahit malayo ka pagmamahal mo'y bumabalik
mahirap kalimutan ang babaeng katulad mo
sa lungkot at saya kasakasama ka
di ko kayang balewalain ang pag-ibig ko sayo
nais ka nang makita, mahalikan, mahagkan at makasama
Nasaan ka na ba?
Nasaan ka na?
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem