Sembreak Poem by Karl Gerald Saul

Sembreak

Rating: 5.0


Kaibigan,

Naalala mo pa ba ang masasaya nating kwentuhan?
May konting joke lang iyo mo na agad tatawanan
Sumasabay pa ang mga laway mong nagtatalsikan
Na nagkalat sa mukha kong iyo mo pa ngang pinupunasan

Sa kanto,

Naalala mo pa ba ang ating istambayan?
Nagpapasama ka sa’kin matanaw mo lang ang crush mong dadaan
Ngunit dedma ka, hindi ka nilingon kahit sinigaw mo na ang pangalan
Kaya minsan umuuwi tayong ikay bigo at kung minsan ay luhaan

Sa tabing ilog,

Iyo mo rin bang naaalala’t natatandaan?
Sa puno ng mangga doon tayo nagtayo ng bahay-bahayan
Dun tayo nagdadala ng pagkain para sabay tayong mananghalian
At dun ko na saksihan ang iyong kakaibang katakawan

Pagkatapos ng bakasyon, sabay tayong pumapasok sa eskwelahan
Kapag break time magkasamang nakikisalo sa mga kaklase, nakikipagburautan
Sa takdang aralin sabay tayong gumagawa at nakikipagkopyahan
At sa pag-uwi sabay din tayong dumidiretso sa komputeran at bilyaran

At nung nagsembreak,

Asan ka na nga ba aking kaibigan?
Hindi na kita nakita’t matagpuan sa kung saan
Lumingon na ako sa likod, kaliwa at sa kanan
Ngunit ang anino mo hindi ko na matagpuan

COMMENTS OF THE POEM
Juneil Sechico 11 January 2009

nice peice 4 a friend bro!

0 0 Reply
Karl Gerald Saul 09 January 2009

thanks., wala na po sya., di ko na nakikita., balita ko may pamilya na., ginawa ko lang ito na kapag nagkita kami - ipapabasa ko ito sa kanya., para malaman nya na di ko sya nakalimutan.,

0 0 Reply
Meggie Gultiano 09 January 2009

ganda naman ng tula mo..Luv ko to..

0 0 Reply
Ency Bearis 09 January 2009

nice reflection..wonderfully narrated..so what happened become a ghost..or maybe failed after semestral break and maybe a retainer? ...well done...10

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Karl Gerald Saul

Karl Gerald Saul

Sta. Cruz, Metro Manila
Close
Error Success