Ninanais Ko Na Poem by FRAGMENTS AND PIECES

Ninanais Ko Na

Nais ko ng magpaalam saiyo
nais ko ng lumayo saiyo
nais ko ng tuluyang magtago
nais ko ng tuluyang maglaho

Bakit hindi ka mawala sa isip
bakit hindi ka mawaksi sa dibdib
bakit hindi ka malusay sa panaginip
bakit hindi ka maalis sa makalimutan ng labis

ikaw ba ay ganyan
ikaw ba ay sadyang walang hangganan
ikaw ba ay magpakailan man
ikaw ba ay tunay na larawan

pamamaalam ang lagi kong sambit
pamamaalam ang nais kong makamit
pamamaalam ang tangi ko awit
pamamaalam di'y di kayang ipilit

patawad ang aking hiling
patawad ang tanging sasabihin
patawad ang sanay iyong dingin
patawad nga at walang kayang gawin.

hangad ko sanay magawa
hangad ko sanay mawala
hangad ko sanay maghimala
hangad ko sanay maawa sa pusong nawawala.

[naga 23 july 2011madero]

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success