Paano Ba? Poem by Minerva Agriam

Paano Ba?

Kapag ang tutuong pagmamahal ang kumilos,
Minsan lang kung ito ay dumating.
Kaya kailangan handa ka sa kanya,
Kailangan alam mo ang gusto mo,
Kailangan alam mo ang damdamin mo,
At handa kang ipaglaban ito. Higit sa lahat,
Handa kang ipaglaban ang mahal mo.

Pag-ibig na kaya ito, bakit ang gulo?
Isipan at damdamin ko'y litong-lito.
Di ko labis maisip kung ano ang nadaramang ito.
Puso ko'y kumakabog-kabog kapag nakita
Ang mga ngiting kay tamis at nakakabighani.
Ang mga sulyap na nakakaaliw.
Sa damdamin ay nagbibigay ngiti.

Kaya kailangan matutu kang ipaglaban,
Kahit naguguluhan at masasaktan.
Hayaan mong maghilom paglipas ng mga araw.
Ang tutuong pagmamahal ay nanduon lang,
Di ka iiwan, kapag ika'y tutuo sa sarili,
At sya'y handang ipaglaban, nanduon lang,
Di ka iiwan, hayaan mong sya'y karamay.

Paano ba iingatan ito? Kung masyadong
Siniseryuso, di man lang sigurado;
Kung maraya ka naman at sunod lang sa uso,
Di parin sigurado kung ika'y siniseryuso.
Paano ba talaga iingatan itong puso ko?
Ah! Di na kailangang itanong pa ito!
Hayaan nalang ang panahon na
Palaguin ang pagmamahal sa puso ko.






(4/10/03. 9: 15 p.m)

Sunday, January 1, 2017
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success