Paano Na Kaya Ako Kung Hindi Sya Nawala? Poem by Phoenix1 Smith

Paano Na Kaya Ako Kung Hindi Sya Nawala?

matagal ko na pinag-isipan
ang mga susunod na tagpo
sakaling sya'y hindi lumisan
at ang mundong ito'y di iniwan
paano kung naririto pa sya
at ngayon ay kapiling mo pa?

alam ko na patuloy mo pa rin
na ako'y itataboy tuwing ikaw
ay aking kakausapin at muli
patuloy ipararamdan sa akin
ako ay hindi mo na kailangan

habang ako ay lumuluhang
panooorin inyong pag iibigan
puso ko'y sukdulan ang kirot
halos ako'y mabaliw kung bakit
nagawa mo ako saktan ng labis

tuwing ika'y tatanungin mahal ko
sungit at sigaw ang sagot mo sakin
bakit hindi mo na ako pinapansin
habang ako'y umiiyak nakikita ko
tamis ng inyong tula't awit na palitan

ng sya'y yumao at lumisan sa mundo
sabi mo sakin na ako ang mahal mo
ngunit patuloy ang sulat mo ng alala
at paulit-ulit na sasambahin mo sya
walang hanggang pag ibig sa kanya..

sa isip ko ay alam na alam ko na
kung sakaling hindi sya nawala
at kung ngayon ay kapiling mo pa,
tyak na ako ay iyo pa ring iiwasan
at isasantabi muna dahil sa kanya

hindi kita masisisi aking mahal
sa kaibuturan ng aking puso
nauunawaan ko na ang lahat
na kahit ano pa ang gawin ko
pag ibig ko ma'y ipilit ko sayo

sya lamang sa iyong buhay
ang tanging ligaya mong tunay
sya lamang iibigin mo ng ganito
magmula noong iyong kabataan
hanggang iyong araw ng paghimlay

Friday, July 21, 2017
Topic(s) of this poem: love,pain
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success