Pabaon Sa Paglalakbay Poem by Rey Benipayo

Pabaon Sa Paglalakbay

Sa iyong paglalakbay
Matagpuan mo nawa,
Init ng tagumpay
Kamay ng pag-asa.

Saan ka man
Liparin ng hangin,
‘Wag kaligtaang lingunin
Ang nakaraan.

Kung sakali mang
Kadiliman ay bumalot,
Huwag lumimot,
Nariyan si Amang.

Huwag kaligtaan
Pamana ng guro,
Mga aral na ginto
Sa paaralan naisaisipan.

Pangaral ng magulang
Na sa’yo nagsilang
Ay di matatawaran
Kaya’t huwag kaligtaan.

Sa iyong paglalakbay
Hayaan mo…
Kami’y narito
Laging nakasubaybay!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success