Padi, Tulungan Mo Ako Poem by Rey Benipayo

Padi, Tulungan Mo Ako

Padi, pagising ko kaninang umaga
Ay wala na ang asawa ko, iniwan na ako
Anong gagawin ko?
Nagsawa na yata sa away bati namin!
Nagsawa na yata sa akin!
Alam mo ba padi ang sikreto niya?
Baog siya padi, baog ang asawa ko!
Sabi yan ng doktor noon pero di ako naniwala
Maraming paraan na ang ginawa namin
Pero di umubra, tama nga ang sabi ng doktor.
Kaya nag-ampon na lang kami.
Padi, dahil dun ay away bati kami
Siguro kaya umalis kasi nasaktan siya.
May nasabi ako noong huli kaming nag-away
Na ipagpapalit ko na siya!
Makikipaghiwalay na ako!
Dahil di niya kayang bigyan ako ng anak!
Dala lang yun ng galit ko.
Di yun mangyayari!
Mahal na mahal ko siya!
Sineryoso yata kaya bahala siya!
Paano na ngayon padi, anong gagawin ko?
Tulungan mo naman ako, please!

Wednesday, October 23, 2019
Topic(s) of this poem: friend,friends,friendship
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success