Ako ay napapaisip ng: may gusto akong gawin
Subalit alam kong hindi na ito nararapat
Sapagkat wala akong maramdaman kahit kunting tamis
Sa tuwing sinusubukan kong tikman
Ang langit na aking hinahangad.
Ngunit ngayo’y sinasabi ko na ang lumipas
Ay hindi kailan man nawawala o nababago
Kundi ito ay tinatakpan lamang
Ng payak na katotohanang dapat tanggapin
Subalit maari pa itong mabuhay
Kung ang bagong kwento
Ay mabibigyan ng pagkakataon
Nakakapanghihinayang lamang
Dahil ang dinidiligang bulaklak sa halamanan
Ay nananatiling larawan
Para sa paru-parung hindi binibigyan ng puwang
Na maaring madapuan.
Kaya naiisip ko na lamang
Kung may magandang umaga
Na magbibigay pag-asa sa bagong simula
Ay hindi ko palalampasin.
Ngunit kung hindi man ito magaganap,
Pamamaalam lamang ang sadya kong maipapabaon
At hangad na lubusang kaganapan
Ng ligaya at tagumpay
Hindi ko man kapalaran
Ang matagpuan kang ulila
Alam mong naging bahagi ka ng aking panulat
At hindi ko inakalang bubuhay sa aking pag-iisip.
May takip man ang iyong sisidlan
Ang mahalaga'y pangarap kong langit ay aking nasilayan.
Hindi ko alam
Kung ito'y pamamaalam na hindi paglayo
O paglayo na walang pamamaalam.
Ang hangad ko lamang
Ay mabigyan ka ng lubusan kakayahan
Na gumawa ng hakbang
At ako'y hindi makakadagdag
Sa balakid ng iyong pagpipilian.
Ako ay nagpapasalamat saiyo kapalaran.
Binuksan mo aking isipan.
Ako ngayo'y babalik sa piniling daan
Sapagkat nilisan na rin ako
Ng aking katinuan
Na nagdala sa isipan ng kaguluhan.
Sana ako nalang si Spiderman
Kasi may alam akong gawin na kanyang pinabayaan
Subalit magagawa ko din kaya
Ang hindi niya kinaligtaan?
Sana ako ay isang Superhero
Hangad ko’y makatulong sa iyo
Na buong pag-asang matagpuan ang mundo
Kung kailangan mo’y naririto lang ako
Sayo pa din ang pagpapasya.
Huwag lang sanang itapun ang butong pananim
Pakitago nalang kung ayaw mong palaguin
Kung gusto mo itong mamunga, maaring lang ay pakitanim
Salamat sa mga nagbigay pansin
Sa kaisipan kong hindi mapunuan
Ng kahit anung panapal.
Nagagalak akong isipin
Na minsan sa aking paglalakbay
Ay may mga nakisabay din
Sa daanang minsa'y nahirapan akong sundan.
Paumanhin din po
Sa mga itinuring kong kasalo
Sa bubong na naitayo
Sa mga panahong lumipas
Subalit nasaktan ko sa tuwing
Ang aking kabingihan at pagkamanhid
Ay lumustay sa tamang pag-iisip.
Ipagpaumanhin ninyo
Ang makasarili kong pagkatao
Kung pinili kong magbulag-bulagan
Minsan sa hubad na katotohanan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem