Pagod Na Puso (Weary Heart) Poem by Jocelyn Dunbar

Pagod Na Puso (Weary Heart)

Tila bagang namamatay ang lalim na rurok
Nang sarili sa pagod nang buhay dahil narin sa mga
Piniling gawin kahit mali; nagsisisi, pero nawala na ang
Magagandang pagkakataon upang mabago ang
Landas nang buhay. Mahirap bumangon pang
Walang tumutulong at sumusuporta sa isang tao,
Nakakapagod ang mabuhay. Napagod ang puso sa hirap
Nang buhay dahil na rin sa hibang na pagkatao at
Kahinaan sa sarili.

Ang buhay ay isang pangako na may kalakip na kaganapan.
Isang munting paraiso na dapat pahalagahan at ingatan,
Samantalahing gamitin sa mabuting landasin.

Pagod ang puso dahil na rin sa kahibangan at mga piniling tao
Na nakasama sa buhay, nawaldas ang sarili at mga Pagkakataon na ibinigay ng tadhana.
Ang mga biyayang minsan lang dumating na dapat sana'y
Pinahalagahan at ginamit sa mabuti. Dangan sana'y Pinagsikapang lumago ang biyaya na bigay nang tadhana
Sa sa buhay. Ang Diyos umalalay sa tao kapag
Ang tinutunguhan na landas ay kagandahan, di sa
Kung ano ang gusto mo lamang gawin.
Nawawala ang biyaya dahil sa di iyon ang kalooban
Niya sa tao.

Pagod at umiiyak na puso saan ka lulugar?

Ilagak ang sarili sa Diyos at magpalinis, humingi nang awa
At ituwid ang sarili at magbago. Muling bumangon sa sarili
Sa mga hakbangin na ang gabay ay Diyos.
Ito'y masalimuot ngunit kailangan magpakatatag sa sarili
At pagsikapan muling mabuhay sa tamang landasin.

© Jocelyn Dunbar
14 July 2010
2: 35 AM

Monday, November 8, 2010
Topic(s) of this poem: verse
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Jocelyn Dunbar

Jocelyn Dunbar

Philippines/Australia
Close
Error Success