Pagsintang Bawal Poem by Roselyn A.M.

Pagsintang Bawal

Batid mo ang dapat gawin
Iwaksi ang mali at tama ang piliin
Subalit paano pipigilin
Ika'y alipin ng iyong damdamin

Ramdam mo'y pag-ibig ngayon pa lang dumating
Parang isang batang na love at first sight man din
Sa kabila ng lahat mong pagsikil
Di maitago nag-uumalpas mong damdamin

Sana lang di mo na siya nakilala pa
At nasilayan ang maamo niyang mukha
Sana'y di ka na niya tinapunan pa
Ng isang ngiting puno ng pagsinta
Upang sa gayon ika'y hindi nabahala
At hindi na muling umibig pa

Subali't maaaring ikaw ay manghinayang
Kung pag-ibig na wagas ay di naranasan
Kahit pa ito'y pagsintang bawal
Masarap damhin at buhay ay may kulay

Ngunit ano ang sasapitin
Ng isang pag-ibig na di dapat angkinin
Mabuti pang ito ay putulin
Habang ang tadhana'y kampi pa man din

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success