Pagsuyo Ng Puso Poem by Inner Whispers

Pagsuyo Ng Puso

Nakahain sa harap ko,
puso ng saging na ito.
Sa lakad at takbo na ginawa ko,
paroon at parito, tinitingala ko,
puso na nakasabit sa kandungan mo.

Hala,
unti-unti, bumuka,
sumilay ang mga ngiti mo
at inakit ang pansin ng maamo
ngunit matapang ko'ng puso!

Huminto ako,
nakapangalumbabang nagtatanong,
bakit napakadami ng damit mo?
Nakakunyapit,
pagbuka'y nakapikit
ngunit batid ko,
puso mo'y puno ng ngiti at pait!

Hataw ako sa kalalakad,
hindi napagod sa pagtingala saiyo
kahit pa nga ba napakabagal
ng pagbuka mo.

Ano ba ang nasa loob mo
at punum-puno
ng mumunting bulaklak
na prinoprotektahan mo?

Aha!
Minsan, nahinto ako sa katitingala,
minsan napadaan,
puso mo'y lumiit tila, bigla!

Ngunit may iniwan ka'ng bakas,
hmn...ano'ng meron sila,
mapipintog at berdeng-berde,
ano kaya sila?

Bunga ng pagsuyo
ng puso mo, sinta,
mababakas sa simula pa.
Umasa ako na mahinog ka
at na'ng malasap at makamtan ka!

Ngunit nawala ka bigla,
naluoy ang bakas mo, aba!
Marahil, matindi ang init na dumaloy
sa puso mo at bigla,
kulay moy nag-iba!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success