Panahong Mahirap Umikot Ang Mundo Poem by Rey Benipayo

Panahong Mahirap Umikot Ang Mundo

Parang nagunaw na ang buong mundo
Dahil sadyang mahirap bumangon
At di ko mahanap ang sarili ko
Noong panahong mahirap umikot ang mundo.

Akala ko ay di na ako makakaalis
Sa panahong nasa putik ang buhay ko
Sa panahong nasa kadiliman ako
Sa panahong hinamon ako ng kapalaran.

Ang buhay ko noo'y tila pumapasan ng krus
Nawalan ng direksyon sa landas na tinatahak
Dahil inaamin ko, kasalanan ko din naman
Dahil sobrang tiwala at di nag-iingat.

Akala ko hangang duon na lang ako
Pero pinilit ko ang sarili ko
Hinamon kong hanapin ang sagot sa tanong,
"Nasaan ang daanan paalis sa lugar na ito? "

Nilabanan ko ang mga kahinaan ko
Ang depresyong alam kong papatay sa akin
Pinilit kong labanan ang mga bangungot
Na sa kada pagtulog ko'y paulit ulit akong dinadalaw

Nanalangin ako at muling nagbalik loob
Natutong magpatawad at muling magtiwala
Unti unting umasa sa bukas na may liwanag
Na pagising ko, ang mundo'y muling iikot.

Di man tulad ng dating pag-ikot nito
Pero ibang iba at maraming pagbabago
Paunti unti sa landas na dinadaanan ko
Nakita ko ang dating daan na tinatahak ko.

Nang makarating ako, di na gaya nang dati
Mas matapang na, mas mulat at di na basta basta
Nadala na sa mga pangyayari sa kahapong kay inosente
Hubog na sa mga aral ng pagkadapa at pagkaligaw.

Ngayon, ang mundo ko'y makulay nang umiikot
Tahimik at sa kada paligid di nawawala ang saya
Kung babalikan ko ang mga panahong iyon
Sa ngayon, naiisip ko na may dahilan pala ang lahat

Dahil kung di man nangyari ang panahong iyon
Siguro ay di ako sing tapang at sing tatag ngayon
Ang panahong iyon kahit kailan ay mananati na lang
Isang aral ng kahapon na dadalhin ko kahit saan, kahit kailan!

Thursday, October 24, 2019
Topic(s) of this poem: challenges,hope,hopeless,inspirational,life,depression
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success