Para Kay Tatay Digong (President Duterte) Poem by Laila Gabanes

Para Kay Tatay Digong (President Duterte)

Nang makita ko sa isang telebisyon
Natuwa na ako kay Tatay Digong,
Akala ko noon, wala siyang panahon
Maging presidente ng ating nasyon

Madalas maganda ang mga balita,
Sa pagiging Mayor noon sa bayan niya
Puno ng paghanga at pag-asa
Sana isang araw, makilala kita

Sa aking pag-iisip, ako ay nanalangin,
Na sana ay si Digong maging tatay natin,
Maging sandalan ng lahat sa atin
Sa taong katulad ko'y umaasa pa din

Nang manalo si Digong noong halalan,
Madami ang natuwa at nagsipag iyakan,
Lihim akong nagsaya at napayapa
Sa Wakas, may tatay na tayo na mapagkalinga

Lumipas ang ilang buwan, madaming sumisira
Sa magandang layunin para sa ating bansa,
Lahat ng atensiyon sa kanya nakamukha
Lahat mainipin, lahat naninira..

Hindi nila alam sa mga kabataan,
Nakaka apekto ito sa kanilang isipan,
Bakit di nyo muna siya ay pagbigyan,
At maipakita ang kanyang kakayahan?

lahat tayo ay nasa wastong gulang na,
Dapat marahil ipagtanggol natin siya
Sa mga taong punong- puno ng malisya
Maibagsak lang ang ating ekonomiya

Madalas kong itanong sa aking sarili,
Wala na ba tayong magawa kung di ang mangsisi?
Imbes na magtulungan para sa kaunlaran,
Lahat tayo ay abala sa patalinuhan

Si Tatay Digong para sa kin,
ay Sagot na dasal sa ting bayan
Pagunlad at siguradong aayos kalakaran
Sa lahat ng bahagi ng ating bayan

Kaya paki-usap ko sa sambayang pilipino
Itong aking tinig, sana po ay pakinggan niyo,
Bigyan ng pagkakataon ang pagbabago
Para iangat sa paghihirap ang Inang bayan ko!

Sunday, December 4, 2016
Topic(s) of this poem: politics
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success