Sa dami ng tambay dito sa ting bayan
Di ko maisip kanilang kabuhayan
Kapag nakikita mo sa umaga pa lang
Oorder na ng beer, kwentuhan sagaran
Minsan naisip ko lumapit sa kanila
Tinanong kung bakit at ano ang problema,
At napag alaman ko karamihan sa kanila
Tapos sa kolehiyo at may pangarap pa
Napagod na marahil madami sa kanila
Mailap na trabaho, kinatabangan na
Mabuting pang maging tambay,
Sa tindahan naging opisina niya
Ang gobyerno nga ba ang dapat sisihin
Sa lumolobong antas ng tambay dito sa atin
O ang katamaran na likas na angkin
Pati ba ang gobyerno ay gawing salarin?
Hindi ibang tao ang aahon sa iyo,
Sila'y instrumento lang sa pagsisikap mo,
Wag nating iaasa ang pag-unlad na gusto mo,
Hindi ito darating kahit ilang milenyo
Pwera na nga lang kung tataya ka ng lotto.
At iaasa na lang sa swerte ang buhay mo,
Dahil sa dulo niyan hanggang pagtanda mo,
Ikaw na ang pinuno ng tambay sa kanto
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem